Posts

Showing posts from April 23, 2017

Ang Mangangaso

Ito ay kuwento na sinasabi ng aking ama na ang pangalan ay Brando. Ang aking ama ay isang mangangaso noong nasa edad pa siya na bente. Siya palaging sumasama sa lakad nga kanyang mga kaibigan upang mangaso, dahil sa laro na naidulot nito. Sila ay bumiyahe papuntang Asya para gumala sa nayon, at doon nadiskubre nila ang isang pinakamalaking gubat sa buong mundo na malapit lang sa kanila. Dahil sa pagmamahal nila sa pangangaso, na ang sabi pa ni Brando, ay pinakamaling desisyon na pinili niya sa kanyang buhay. Ang kuwento na inyong maririnig ay sinabi lang ng aking ama sa akin. Ang mga kaibigan ko na sina (Noly, Felipe, Eduardo, Josefa, Analisa, Jose, Lilia, at Brod) ay nililibot ang Asya. Lahat kaming walo ay nagkasundo na mamasyal sa mga kanto, ng may narinig kaming tao na nagkukuwento tungkol sa isang gubat na tinatawag na "Kinabaluk Nasyonal Park" na ayon ay ika-anim na pinakamalaking gubat sa buong mundo. Ngayon, ako at walo ko pa na kasama ay nagkasundo na mangaso doon....

Bulaklak Para sa Kaibigan

Ako ay nahuhumaling talaga sa mga trailers. Ang isang ito ay nagpakita ng isang bata na may brown na balat at blonde na buhok na nakabihis ng asul, at natutulog sa ilalim ng isang puno. Ikaw ay hindi na magigising , ang sabi ng caption. Ang bata ay naglalakad, lumalaki at lumiliit. Maraming bulaklak ang lumalapit nito, higit sa lahat lilies. Ang tanging agresibo ang isa ay isang tiger lily, na may kulay hahel na bulaklak. Hindi nila gusto'ng magising ka pa , patuloy na sabi sa caption. Ang bata ay sinusubukan na buksan ang napakaliit na pinto. Ngunit ang pintuan ay ayaw mabuksan. Ang bata nakatingin sa kamera na takot na takot ang itsura habang ang katawan nito ay nababalutan ng niyebe. Huwag kang makinig sa kanila. Bulaklak para sa kaibigan. Malapi nang ipalabas. Ako ay labing walong taong gulang noon nang makita ko ang trailer, malalim na ang gabi pagkatapos uminom ng ilang cider. Iyon ay panahon ng katapusan ng mga pagsusulit, at ako ay nagdiriwang dahil sa matat...